Ako'y babangon at susulat muli,
Sa paskong darating ako'y 'di pahuhuli.
Ano nga ba ang pasko para sa atin?
Tungkol ba nga ba ito sa dami ng handang pagkain?
O baka naman sa presyo ng mga regalo na ating matatanggap,
Na punong puno naman ng pag papanggap?
O ang makikinang na palamuti sa bawat tahanan,
Kung saan ay maririnig mga tawanan.
Ano pa ba ang kulang at ika'y malungkot?
Ako'y babangon at susulat muli,
Upang sabihin na tayo ay mali.
Hindi lahat ay kumakain sa araw ng pasko,
Tulad ng mga paslit na nakita ko.
Wala silang bahay na matutuluyan,
Ang gilid ng kalsada ang kanilang tulugan.
Humihingi sila ng kaunting limos na pagkain.
Ate, pwede bang ibigay mo na lang 'yan sa akin?
Marami man ang kulang, mga paslit ay nakangiti pa din.
Ako'y babangon at susulat muli,
Sa paskong darating ako'y 'di pahuhuli.
Ayoko ng mamahaling regalo na sa tindahan ay nagmula ho,
Masaya na ako sa pagmamahal galing sa puso mo.
Ayos lang kahit hindi magara ang pagkabalot,
Basta 'wag lang puno ng pagbabalat kayo't
Pagpapanggap; pagkain man sa hapag ay kulang,
Basta't puno ng tawanan ay ayos lang.
Ako'y babangon at susulat muli,
Upang sabihing ito na ang huli!
Ngayong pasko'y matutong makontento,
Ang mga bagay na atin ay ituring na ginto.
Iba iba man ang pasko para sa atin,
Mahahalagang bagay tandaan natin.
Ngayong pasko tayo'y magmahalan at magbigyan,
Tulad ng Maykapal na nagmahal at nagbigay ng lubusan.
I wrote the poem above last December 2010 for my friends. I miss writing, I wonder why I stopped.
No comments:
Post a Comment